Buong biyahe wala siyang ibang iniisip kung hindi ang halik na pinagsaluhan nila ni Gael. Yon ang pinaka-intimate na halikang nagawa niya sa buong buhay niya, at kay Gael pa niya unang nagawa. Gulong-gulo tuloy ang isip niya sa mga nangyayari. Lalo na sa nalalapit nilang kasal ni Gael. Paano kung pagkatapos ng kasal hingin ni Gael ang karapatan nito bilang asawa niya? Paano kung naisin ni Gael na gampanan niya ang role ng isang asawa? Anong gagawin niya? Makakatanggi ba siya? "No! No!" bulong niya sa sarili. Dapat makaisip siya ng paraan upang huwag masali ang physical attraction sa kasunduan nila ni Gael. Dapat mag-isip siya ng pwedeng paraan para huwag silang umabot ni Gael sa kama. Kasal lang naman ang hinihiling ni Gael, para mawala na sa buhay nito si Julia. Kaya pwede siyang umapela

