Gael-29

1245 Words

Tatlong araw matapos ang pamamalagi niya sa bahay ni Gael ay nag-desisyon na siyang umuwi na, tutal okay na rin naman ang mga sugat niya. Tuyo na ang ilang mga sugat at hindi na rin naman masakit ang katawan niya, mabisa ang gamot na binigay ni Dr. Cruz. Nag-aayos na siya ng mga gamit nang pumasok si Gael sa silid na tinutuluyan niya. "Uuwi ka na ba talaga? Okay na ba ang mga sugat mo?" tanong nito nang makapasok sa loob. Natigilan pa siya nang masuri ang suot nito. Naka-business suit ito na kulay asul, mukhang pasadya pa ang suit nito, dahil may modernong cut sa ibaba, hindi tulad ng mga nabibili lang sa mall. Nakasuot din ito ng itim na leather shoes. Mukhang may business meeting ito kaya ganoon marahil ang suot nito. Sa tuwing papasok kasi ito sa opisina madalas naka-maong lang ito o

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD