Matapos siyang ipakilala ni Gael sa lahat ng bisita, hindi na niya alam kung ano ang gagawin at mararamdaman. Nakita niya ang pagkadismaya sa Papa ni Gael, ganoon din sa Papa ni Julia. Si Dr. Santillan naman, wala siyang mabasa na ekspresyon mula rito. Si Julia, nag-walk out na. At lahat ng atensyon nalipat sa kanya. Marami ang nagbubulung-bulungan kung sino ba siya. May ilang nakakilala sa kanya na mga katrabaho na naroon din. “Gael, pwede ba tayong mag-usap?” tanong niya rito nang halos patapos na ang party. Tumango ito at ininom ang alak na nasa baso. “Let’s talk in private, Anya,” anyaya nito at hinila siya sa kamay. Nagpatianod siya. Kung saan siya dadalhin ni Gael, hindi niya alam. Pero kailangan niya itong makausap tungkol sa gulong ginawa nito. Tiyak na pagpi-fiestaan siya bukas

