"Ang ganda mo Ate Anya," puri ng kapatid nang pumunta na sila sa munisipyo para ikasal ni Gael. Hindi ito ang inaasahan n'yang kasal nila ni Gael. Ang plano kasi ni Gael bongga at saksi ang mga magulang at mga kapatid nito. Pero dahil na rin sa biglaang pagsulpot ng kapatid ni Gael na si Giovanni ay kinailangan pakasalan s'ya agad ni Gael, kung bakit ay hindi pa n'ya alam. Natatakot kasi s'yang magtanong kay Gael dahil laging mainit ang ulo nito. Isa pa wala s'yang karapatang magtanong o mag reklamo, dahil binabayaran s'ya ni Gael para gawin ang lahat ng gusto nito. Tanging ang tiyahin lang n'ya at si Ariel ang saksi sa kasal nila ni Gael. Wala ni isa sa mga kapatid ni Gael ang umattend lalo na ang mga magulang ni Gael. Alam n'yang hindi s'ya basta-basta matatanggap ng mga magulang ni G