Gael-16

1205 Words

"Anong ibig sabihin nito Gael?" Naiiyak na tanong n'ya, nang makapasok na sila sa bahay, at sinabihan ang kapatid at tiyahin na iwanan na muna sila ni Gael at may pag-uusapan sila. Dali-dali namang lumabas ang dalawa, mamimili daw ng pagkain. "Anong ginawa mo?!" Hiyaw n'ya sabay tulak rito. "Anya," tawag nito sa kanya, at bago pa muling maitulak ito, hinawakan nito ang dalawang kamay n'ya para pigilan sa pagtulak sa dibdib nito. "I'm giving you a brand new home," "At anong kapalit ah Gael?" Naiiyak na tanong n'ya. Napansin n'yang nag-iwas ng tingin si Gael sa kanya, tila ba hindi nito kaya ang makita s'yang umiiyak. "Nasabi ko na ang lahat sa tiyahin mo," "Ano?! Sinabi mo kay t'yang?" Gulat na tanong n'ya, at inis na binawi ang mga braso mula rito. "Hindi ba't sinabi ko nang ayoko!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD