"Bakit ho kayo pumayag t'yang?" Tanong n'ya sa tiyahin. Nang iwan na sila ni Ariel sa ibaba ng bago nilang tinitirhan. Excited ang kapatid sa bagong silid nito, kaya naman matapos kumain umakyat na agad ito. Pag-alis ni Gael kanina kaagad s'yang inilibot ni Ariel sa kabahayan. Una s'yang dinala nito sa silid nito. Ito daw ang pumili ng mga gamit sa loob ng silid nito, kwento ng kapatid lahat ng ituro daw nito binibili ni Gael. May TV, video game set, malaking kama at may aircon din ang silid ng kapatid. Nakikita n'ya ang tuwa at excitement sa mukha ng kapatid habang inililibot s'ya sa buong bahay. Sinabi pa nitong ang swerte n'ya sa pagkakaroon ng nobyong tulad ni Gae. Hindi nalang muna n'ya tinama ang kapatid. Ayaw n'yang mawala ang saya at excitement nito. "Sinong tangang tatangi sa g