Naningkit ang mga mata n'ya sa narinig mula kay Gael . Tama ba ang narinig n'ya? Tinatanong nito kung binebenta pa rin n'ya ang sarili sa mga lalake? Humugot s'ya ng malalim na hininga at masamang tingin ang pinukol rito. "Anong ibig mong sabihin?" Taas kilay na tanong n'ya. Hindi tinago ang talim sa tono. "Well," simula nito. He crossed his arms over his chest and looked at her. "Curious lang naman ako, if for sale ka pa rin like the old times," walang emosyong sagot nito, na tila ba napakakaswal lang rito ang sinasabi nito. "Why Mr. Saavedra? Until now ba bumibili ka pa rin ng batang babae?" Taas noong balik tanong n'ya. Hindi n'ya tinago ang galit sa mukha at tono n'ya. May karapatan s'yang magalit, kahit sabihin na magiging boss n'ya ito. Hindi n'ya hahayaang insultuhin s'ya ng s