"Oh ano, kailan ka magsisimula doon sa ospital?" Bungad ng tiyahin. Pagpasok n'ya sa loob ng bahay. Nagkibit balikat lang s'ya, at dumiretso sa may kusina, para uminom ng tubig. "Ano? Natanggap ka ba? Kada kailan ang sahod mo? Magkano naman ang sahod mo doon?" Pangungulit ng tiyahin. "T'yang, sa lunes pwede na ko magsimula," walang ganang sagot n'ya. Paano ba naman hindi pa nga s'ya nakakapagsimula sa trabaho, sahod na agad ang tinatanong nito. "Magtanong ka baka pwede kang mag advance," "T'yang naman eh," may inis sa tono n'ya. "Haba Anya! Ikaw na ang magpapakain sa amin ni Ariel n'yan. 'Yang sahod mo na ang magiging panggastos natin dito sa bahay," Taas kilay na sabi ng Tiyahin. Bumuntong hininga lang s'ya at mariing tumango. Para magtigil na ang Tiyahin. Kahit naman noon pa s'ya