Gael-3

2005 Words
Pagpasok nila sa malaking silid, saka lamang binitiwan ni Gael ang kamay niya. Diretso itong naglakad patungo sa bintana at bahagyang itinaas ang blinds upang sumilip sa labas. "They're here," malamig nitong sabi. Samantala, abala siyang pinagmasdan ang silid. Napakalawak niyon, halos kasinlaki na ng buong bahay na tinitirhan nila ng kapatid niya. "Anya." Napalingon siya kay Gael. "Come here." Agad siyang lumapit. Pagharap niya rito, hinawakan siya nito sa magkabilang braso at iniupo sa gilid ng kama. Natigilan siya. Ano ang gagawin nito sa kanya? Ito na ba ang simula ng kung ano mang balak nito? Baka mamaya ay singilin na siya nito sa perang ibinayad sa tiyahin niya. "Sir..." kinakabahan niyang tawag. "Listen carefully, Anya." Lumuhod nang bahagya si Gael upang magpantay ang mga mata nila, pero nanatiling seryoso ang ekspresyon nito. Nakahawak pa rin ang mga kamay nito sa braso niya. "I need you to do me a favor. I saved you earlier. Now, I need you to help me." Kumunot ang noo niya. Paano niya ito matutulungan? "What do you mean?" "Binili kita, but that doesn't mean I intend to use you." Bahagya itong tumuwid. "I paid your aunt because I didn't want you ending up with some other man who might take advantage of you. That's it." "Ah?" Iyon lang ang nasabi niya. Hindi niya alam kung maniniwala siya rito. Ang alam niya, nagbayad ito ng malaking halaga para sa kanya. At sa mundong ginagalawan niya, hindi basta-basta nagbibigay ng ganoong kalaking pera ang isang lalaki nang walang hinihinging kapalit. Sa isip niya, binili siya nito upang makuha ang katawan at pagkabirhen niya. "Listen, Anya. I'm Gael Saavedra, the youngest son of the Saavedra family." Lalong nanlaki ang mga mata niya. Alam niyang mayaman ang lalaki. Napatunayan niya iyon nang dalhin siya nito sa malaking bahay na halos magmukhang palasyo. Pero hindi niya inakalang isa pala itong Saavedra. Kinikilala ang pamilya Saavedra bilang pinakamayaman sa San Sebastian. Sila ang may-ari ng maraming malalaking gusali, condominium, shopping mall, business establishments, at subdivision sa bayan. Kahit bata pa siya at lumaki sa kahirapan, pamilyar siya sa apelyidong iyon. "Isa kang Saavedra?" gulat niyang tanong. "Yeah." Wala man lang pagbabago sa ekspresyon nito. "And I paid your aunt with my own money. I can offer you more, but first, I need your cooperation." Pagkatapos sabihin iyon, tuluyan na siyang binitiwan ni Gael. Naglakad ito patungo sa sofa habang nanatili siyang nakaupo sa kama. Hindi niya maiwasang sundan ng tingin ang lalaki. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, at maganda ang tindig. Maging ang simpleng paglalakad nito ay may dating. Para itong lalaking nakikita lang niya sa telebisyon o sa mga magazine na nakadispley sa tindahan sa palengke. Napayuko siya nang mapansing muli siyang napapatitig dito. "My parents want me to get engaged to a woman they chose for me," panimula ni Gael habang nauupo sa sofa. "And apparently, they think they can decide who I'm going to marry without even asking me." Sinuklay nito ng mga daliri ang buhok bago sumandal. "Engaged?" mahinang tanong niya. "Yes. They've already chosen the woman they want me to marry." "Pero parang ang bata mo pa para magpakasal," hindi niya napigilang sabihin. Mabilis na napatingin sa kanya si Gael. "That's not the point, Anya." Matalim ang tingin nito. "The point is, they don't get to dictate how I live my life. I make my own decisions. And I won't tolerate anyone forcing me into a marriage I don't want." Napayuko siya. Hindi niya inaasahang ganoon ang magiging reaksyon nito. Para bang sapat nang mabanggit ang tungkol sa kasal upang mag-init ang ulo nito. "Whatever. You're only eighteen. I doubt you'd understand." Tumayo si Gael at muling sumilip sa bintana. Maya-maya, bumaling ito sa kanya. "Here's the deal. You're going to pretend to be my girlfriend." "Ano? Girlfriend mo?" gulat niyang tanong. "Do I need to repeat myself?" Napalunok siya. "Pero... bakit ako?" "Because I chose you." Simple lang ang sagot nito. "But why me?" Bahagyang kumunot ang noo ni Gael. "You're already here, Anya. And my parents are waiting downstairs. I don't have time to look for someone else." Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Pero hindi naman natin napag-usapan na magpapanggap akong girlfriend mo." Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi ni Gael, pero walang init ang ngiting iyon. "Why? Would you rather I make use of what I paid for?" Napangiwi siya. "Gael..." "What's the problem?" malamig nitong tanong. "Wouldn't pretending to be my girlfriend be easier than sleeping with me?" Kinilabutan siya sa tahasang pananalita nito. Hindi niya alam kung paano sasagot. Kung tutuusin, mas gugustuhin niyang magpanggap na girlfriend ito kaysa ibigay rito ang pagkabirhen niya. Hindi naman niya ginustong mapunta sa ganitong sitwasyon. "Listen carefully," patuloy ni Gael. "You'll pretend to be my girlfriend, and nothing more. Once this is over, you're free to do whatever you want." Sandali itong tumigil bago muling nagsalita. "You can still sell yourself to someone else. You're a virgin, so you can demand a higher price. You still have something to offer." Parang may tumusok sa dibdib niya. Alam niyang hindi siya kilala ni Gael. Wala itong alam tungkol sa buhay niya, sa mga pangarap niya, o sa mga bagay na napilitan siyang gawin para lang may maipakain sa kapatid niya. Kaya hindi niya ito masisisi kung ganoon ang tingin nito sa kanya. Para rito, isa lang siyang babaeng handang ibenta ang sarili kapalit ng pera. Isang babaeng maaari nitong bayaran ngayon at muling pagkakitaan ng ibang lalaki bukas. "Pero... walang maniniwala na girlfriend mo ako," malungkot niyang sagot. Totoo naman. Sino bang maniniwala na ang isang tulad niya ay magiging girlfriend ng isang Gael Saavedra? Wala siyang mamahaling damit, hindi siya sanay sa marangyang buhay, at ni hindi niya alam kung paano makikihalubilo sa mga taong kabilang sa mundo nito. Hindi sila bagay sa isa't isa. "I'll make them believe." Lumapit si Gael sa kanya. Huminto ito sa harap niya at bahagyang yumuko upang magpantay ang mga mata nila. "All you have to do is follow my lead. Whatever they ask, answer accordingly." Napatingin siya rito. "Wala ka bang girlfriend na puwedeng iharap sa kanila?" tanong niya. Imposibleng walang babaeng magkagusto rito. Sa hitsura pa lang nito, tiyak na marami nang babaeng gustong mapalapit dito. At ngayong alam niyang isa itong Saavedra, mas lalo siyang naniniwalang hindi ito mahihirapang humanap ng babaeng papayag sa gusto nito. "I don't do relationships, Anya." Diretso itong tumingin sa kanya. "Why would I settle for one woman when I can have as many as I want?" Naiintindihan niya ang ibig sabihin nito. Hindi naniniwala si Gael sa pag-ibig o sa pangakong manatili sa iisang babae. At sa hitsura nito, malamang na maraming babaeng pumapayag sa ganoong sistema. "Let's go." Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patayo. "Aray!" napasigaw siya nang biglang mahila. Hindi man lang nag-abala si Gael na magpaliwanag. Diretso itong naglakad palabas ng silid habang hawak ang kamay niya. Halos mapilitan siyang humakbang nang mabilis upang makasabay rito. Paglabas nila sa hallway, isang matangkad na lalaki ang nakasalubong nila. Nakasuot ito ng itim na business suit at seryoso ang mukha. Tulad ni Gael, gwapo rin ito at may presensyang madaling mapansin. "Gael." Napatingin ang lalaki sa kanila, at pagkatapos ay sa kamay niyang hawak ni Gael. Agad siyang nagyuko ng ulo nang mapansing kumunot ang noo nito. Halatang hindi nito inaasahang makakita ng babaeng kasama ni Gael, lalo na't kapwa sila nanggaling sa silid nito. "Kuya Gavin," bati ni Gael. "Meet Anya, my girlfriend." Napatingin siya rito. Girlfriend? Napakabilis namang ipinakilala siya nito bilang girlfriend, gayong ilang minuto pa lang ang nakalipas ay pinag-uusapan pa nila kung paano siya magpapanggap. "Girlfriend?" ulit ni Gavin, halatang nagdududa. "Yes. She's here to meet the family." Hindi na nagbigay pa ng paliwanag si Gael. "Let's go, Anya." Muli siyang hinila nito sa kamay at nagpatuloy sila sa pagbaba ng hagdan. Bago tuluyang makababa, pasimple siyang sumulyap kay Gavin. Nakatingin pa rin ito sa kanila, at hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa mukha nito. "Sigurado ka na ba talaga rito?" mahina niyang tanong habang tinatahak nila ang daan patungo sa gazebo. "Yes." "Pero—" "Anya." Lumingon sa kanya si Gael. "I don't make decisions I can't stand by." Napatahimik siya. "Besides, one hundred thousand pesos is a lot of money for a student like me. I'm not going to waste it." Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa o kabahan sa sagot nito. Hindi maliit na halaga ang isang daang libong piso. Pero kung tutuusin, hindi naman pera ang problema ni Gael. Isa itong Saavedra. Malamang na mas malaki pa sa ganoong halaga ang ginagastos nito sa isang araw. Bago pa siya makapagtanong, nakarating na sila sa malaking pinto na patungo sa gazebo. Sa labas, tila may munting pagtitipon. May mga pagkaing nakahain sa mesa at ilang taong magkakasamang nag-uusap. "Ma! Pa!" Malakas na tawag ni Gael ang nagpalingon sa lahat ng naroon. Agad niyang napansin ang isang magandang babae na nakasuot ng mamahaling bestida. Mahaba ang buhok nito, na maayos na nakakulot sa mga dulo. Halatang pinaghandaan nito ang araw na iyon. Pero nang mapunta ang tingin nito sa kanilang dalawa, nagbago ang ekspresyon nito. Nanlaki ang mga mata nito, at hindi nagtagal ay sumama ang tingin nito sa kamay niyang hawak ni Gael. "Gael, hijo," tawag ng isang babaeng may edad na, na agad niyang nahulaang ina nito. "Ma, sorry we're late," magaan na sabi ni Gael, na para bang walang anumang problemang naghihintay sa kanila. Lumapit sila sa babae. Humalik si Gael sa pisngi nito, pero hindi pa rin nito binitiwan ang kamay niya. Hindi naman siya tatakbo o tatakas. Gayunman, mahigpit pa rin ang pagkakahawak nito sa kanya, na para bang sinisigurong hindi siya makakalayo. Napansin niyang lalo pang tumaas ang kilay ng magandang babaeng nakaupo sa kabilang panig ng mesa. "Who's she, Gael?" tanong nito, halatang hindi na makapaghintay. Bahagyang lumingon sa kanya si Gael. "She's Anya, my girlfriend." Parang sabay-sabay na napahinto ang lahat. Naramdaman niyang isa-isang napunta sa kanya ang mga mata ng mga naroon. Bigla siyang nakaramdam ng panliliit, na para bang isa siyang daga na napapalibutan ng mga pusang nag-aabang ng pagkakataong sumunggab. Pasimple siyang napahawak sa braso ni Gael. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga tinging iyon. Pakiramdam niya, anumang oras ay matutumba siya sa sobrang kaba. Agad siyang inalalayan ni Gael sa siko. Maya-maya, inilagay nito ang isang braso sa bewang niya at inilapit siya sa tagiliran nito. Nanindig ang mga balahibo niya sa batok. Napalunok siya nang maramdaman ang init ng palad nito sa bewang niya. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kaba o sa pagiging malapit nila sa isa't isa. "Your girlfriend?" ulit ng magandang babae. Bago pa makasagot si Gael, isang lalaking may edad na ang biglang nagsalita. "Anong kalokohan ito, Gael?!" Mabilis na hinawakan ng ina ni Gael ang braso ng lalaki nang magtangka itong tumayo. Hindi natinag si Gael. Nanatili itong nakatayo sa tabi niya, tuwid ang tindig at malamig ang ekspresyon. "I'm sorry, Julia. Mr. and Mrs. Santillan." Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa bewang niya. Pinisil din nito ang kamay niyang hawak ng isa pa nitong kamay, na para bang ipinapaalala sa kanya na huwag siyang bibitaw sa papel na kailangan niyang gampanan. "I can't marry Julia," mariing sabi ni Gael. "What?!" Sabay-sabay na bulalas ng mga naroon. Napakagat-labi siya at hindi alam kung saan titingin. Bakit ba siya pumayag na sumama sa lalaking ito? Kanina lang ay nasa tabi siya ng tiyahin niya, walang ibang iniisip kundi kung paano sila makakaraos ng kapatid niya sa araw-araw. Ngayon, nasa isang marangyang gazebo siya, napapalibutan ng mga taong mayayaman at makapangyarihan, habang nagpapanggap na girlfriend ng bunsong tagapagmana ng pamilyang Saavedra. Hindi siya makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito. Pakiramdam niya, kanina lang ay nagising siya sa isang ordinaryong araw ng buhay niya. Ngayon, para na siyang nasa loob ng isang telenovela at siya ang babaeng biglang sumulpot upang guluhin ang planong kasal ng isang Saavedra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD