Sophie's Point Of View* Tapos na kaming kumain ng paborito kong Adobo at umakyat na kami papuntang kwarto. Pero akala ko matutulog na kami pero mali pala. May iba pa lang plano ang isang ito. Kumuha siya ng bagong damit at sinuot ito na parang lalakad. "Hubby, saan ka pupunta? Gabi na." "Wife, did you forget na pupuntahan natin ang dalawang babaeng nahuli ng Ninong mo sa Kompanya ko mismo?" Natigilan ako sa sinabi niya. Hala oo nga pala. Tiningnan ko ang oras at bago pa nag 7 sa gabi. "Pero malayo layo ang bahay nila Ninong eh. At delikado ka pa lumabas ng Mansion... ganito na lang dadalhin na lang dito ang nahuling mga babae kanina." Ayon sa nadala dito sa mansion ay isang lalaki lang ang nabuhay dahil nanglaban pa ang ibang kasama niya at ayun patay. Kaya kailangan niya ng dala