Sophie's Point Of View* Uwian na at may pinasa si Harry na nahanap nila sa cellphone sa isa sa mga nahuli naming babae. Nung binasa ko ay na alert ako dahil may plano ngayon na i-ambush ngayon si Khaled ng mga kalaban nito. Ako lang ba o timing lang na nakuha namin ang mga babae. Paano kung hindi baka di ko alam na mangyayari ito ngayon. Kumalma ka, Sophie. Gagawin mo ang lahat maligtas lang ang Asawa mo. Bumukas ang pintuan at nakita ko si Khaled na excited na makita ako matapos ang meeting. "Wife." Natigilan siya nang makita niya ang hitsura ko. Hindi ko pwedeng ipakita kay Khaled ang kakayahan ko sa pakikipag laban lalo na di ko pwedeng mag kontak sa headquarters dahil madali nila akong mahahanap pag nagkataon. Alam naman ni Khaled ang tungkol sa trabaho ng Ninong ko kaya sa ka