Sophie's Point Of View* Mabuti pinayagan ako ni Khaled na gawin ang gusto ko basta may free time ako o nabobored ako at wag na wag lang talaga akong lalabas ng Company. Maraming mga Bodyguards ang nagkalat aa boung Company kaya mahihirapan maka labas pasok ang mga kalaban. Pero sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ako nabobored sa magandang mukha ng Asawa ko. Bakit araw araw mas lalo akong naiinlove sa lalaking ito? Bigla na lang tumunog ang tiyan ko pero mabuti mahina lang at di narinig ni Khaled. "Khaled Hubby?" "Bakit, Wife?" Tinigil niya ang ginagawa niya at tumingin siya sa akin. "Gusto mo bang timplahan kita ng kape o nagugutom ka ba?" "Teka, nagugutom ka na ba, Wife? Anong oras na?" Napatingin siya sa relo niya at nang makita niya na 2:30 na ay agad niyang kinuha ang cellphone n