THIRD PERSON POV TULUYAN nang binuhat ni Stanley Montgomery si Chezca na halos hindi na makalakad sa sobrang tama ng alak. Nakapulupot ang mga braso ng dalaga sa kanyang leeg, ang ulo'y nakasandal sa dibdib niya, at patuloy siyang hinahalik-halikan doon. Bago sila tuluyang lumayo sa hallway, sinilip muna ni Stanley si Bernardo sa loob ng restroom—abala pa rin ito sa kahalikan at kalaswaan. Napangisi na lamang siya bago tuluyang tumalikod. Tahimik siyang naglakad patungo sa dulong bahagi ng second floor—isang corridor na hindi basta-basta dinaraanan ng kahit sino. May biometric lock ang pintuan sa pinakadulo. Hindi ito bahagi ng regular VIP rooms. Ito ang silid na para lamang sa may-ari. Isang private suite na personal niyang ipinagawa—hindi para sa bisita, hindi para sa kasiyahan ng

