Chezca Mendoza BIGLA akong napabalikwas nang sa paggising ko ay kuwarto ko na ang bumungad sa akin. Ngunit agad din akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ko ang matinding kirot nito. Parang umiikot pa rin ang paligid ko. The door opened, and Mommy walked in carrying a tray. Nalalanghap ko na kaagad ang mabangong arroz caldo na laman niyon. “Hangover again, Chezca?” she said, shaking her head. I could see the disappointment on her face. Ipinatong niya sa study table ko ang tray. “How did I get home, Mom?” I asked. Tinaasan niya ako ng mga kilay habang may pekeng ngiti. “See? You don’t even know how you got home again." Namaywang siya habang nakatitig sa akin. "You’re always like this. Mahina ka sa alak, pero sige-sige ka pa rin sa pag-inom. Gusto mo ba talagang mapahamak sa ginag

