Chezca Mendoza "Chezca!" "Badong?" Natigilan akong bigla habang nakatitig sa kanya. Pasakay na sana kami ng mga kaibigan ko sa mga kanya-kanya naming kotse nang bigla na lamang sumulpot sa harapan ko si Badong. Nagulat ako. "W-What are you doing here? How did you even find me?" Nilingon ko sina Queenie at Sapphire. Napahinto rin sila sa pagsakay sa mga kotse nila at napatitig sa amin. "I asked your grandfather," sagot ni Badong, na ikinalingon kong muli sa kanya. "And he called one of your bodyguards." Napahinga ako ng malalim. Talagang hindi pa rin titigil si Lolo. Itutuloy pa rin niya ang pagpapakasal ko sa lalaking ito. "Please, mag-usap tayo," pagmamakaawa niya. "I'm so sorry about what happened last night... The alcohol carried me away. I didn't even realize what I was doing

