Chezca Mendoza HUMINGA ako ng malalim bago muling hinarap si Badong. "Mag-usap na lang muna tayo ulit sa susunod," ani ko sa kanya. "Chezca—" "Bawiin mo na muna ang singsing mo sa lalaking 'yon," putol ko kaagad sa sasabihin niya. "I can just buy another one—" "No," agad kong sagot. "Sa tingin ko, kailangan mo munang resolbahin ang mga taong ito na nanggugulo sa atin. Una, sa wedding gown ko—ang kaguluhan sa mall. And now, this—your proposal. I don't think this is just a coincidence. Someone is targeting you... Baka sila 'yong mga taong naghahanap sa'yo... Ayokong madamay, Badong. Mahal ko pa naman ang buhay ko. Ayokong malungkot ang mga magulang ko kapag namatay ako… Please, ayusin mo muna 'to. Saka na lang ulit tayo mag-usap." "Chezca's right, Bernardo," sabat na rin ni Queenie na

