Chezca Mendoza Tulala pa rin ako hanggang sa makauwi sa bahay. Sinalubong naman ako agad ni Mommy dito pa lang sa labas. "Kumusta, anak?" tanong niya. Mukhang okay na siya ngayon—medyo ngumingiti na. Saglit kaming nagyakap at humalik sa pisngi ng isa't isa. "Okay lang, Mom," sagot ko habang may pilit na ngiti. "Nagkita ba kayo ni Badong?" tanong niya, na ikinahinto ko naman. "Alam niyo?" tanong ko. "I overheard your grandfather talking to him on the phone earlier. Mukhang hinahanap ka niya, at sinabi naman ng lolo mo na kokontakin niya ang mga bodyguard na kasama mo… Talagang hindi pa rin siya titigil. Matigas na talaga ang puso ng lolo mo." Napahinga ako ng malalim. "Hayaan niyo na, Mom. Badong and I already talked earlier, and he apologized. Lumuhod pa siya sa harapan ko ka

