THIRD PERSON POV ANCHOR (Studio – Global News Network Philippines): "Isang Pilipino ang pinaghahanap ngayon ng international authorities matapos maiugnay sa isang double murder case sa Scotland. Pinaniniwalaan umanong nagtatago na ito sa Pilipinas. Narito ang detalye." Biglang napalingon sa TV si Bernardo Salvion matapos niyang marinig ang paunang balitang iyon mula sa Global News Network Philippines. Nakatayo siya sa gitna ng sala, hawak ang isang baso ng alak. Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa screen, lalo na nang lumitaw bigla doon ang kanyang mukha. REPORTER (Voice-over): "Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad sa Scotland ang isang Pilipino na kinilalang si Bernardo Salvion matapos itong masangkot sa pagpatay sa dalawang katao sa Aberdeen noong Setyembre

