Chezca Mendoza HINDI nagtagal ay nakarating na rin kami sa Megara Plaza. Napansin ko kaagad ang kotse nina Daddy at Mommy na nakaparada sa may harapan ng gusali. Naririyan din ang kotse ni Lolo. Bahagyang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nagkita na kaya sila? Ano na kayang nangyayari sa loob? "Stanley, let's hurry," I said to my husband. "Mom and Dad are already there." "Alright," sagot naman niya. Pumarada ang kotse namin sa tapat ng mismong entrance ng building. Pinagbuksan kami ng pinto ng mga tao niya. Naunang lumabas si Stanley bago niya ako inalalayan na makalabas din. Sa iba pang kotse na kasama namin ay sunod-sunod na bumaba ang mga tao ni Stanley—his executive assistant, the legal counsel carrying a black briefcase, at ilan pang member ng kanyang team. Sumunod din ang mga b

