Tahimik ako habang nasa loob ng sasakyan. I can't belive that this is happening right now. Sumama ba talaga ako kay Aeolus pauwi sa mansyon niya? Tss. Sana talaga hindi ko 'to pagsisihan. Malalim akong bumuntong hininga at hinayaan na kainin ako ng mga iniisip ko. Napabalik lang ako sa reyalidad nang may humawak sa aking damit. Attentive akong lumingon kay Trixie na nakatitig sa akin. Nasa gitna siya ng upuan at nasa kanan niya ang daddy niya. "M-Milk," she said cutely. Napakurap kurap naman ako. Talaga 'nak, pagtapos mo kong pagtaksilan? Tumikhim ako at umayos ako nang upo, agad naman siyang kumandong sa akin. Ipapasara ko pa lang sana ang harang sa harap pero si Aeolus na ang nagsara non. Akala ko lulusot na siya sa aking damit ngunit gusto niyang itaas ang damit ko. Itinaas ko nama