Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naghilamos ako at toothbrush bago bumaba. Pag gising ko ay wala na sa tabi ko si Trixie, nang silipin ko ay nasa kwarto na ng Daddy niya. Nakahiga ito sa dibdib ni Aeolus habang ang kamay naman ni Aeolus ay nasa likod nito, nakaalalay. Syempre, hindi ko sasayangin ang pagkakataon na 'yon kaya kinuha ko ang camera ko at pinicture-an sila. Nang makababa ako ay dumiretso agad ako sa dirty kitchen. Andoon na ang chef nila pero sabi ko ako na ang magluluto. Pumayag naman ito kaya nagsimula na akong kumilos. Nagluto ako ng sinangag, sunny side up egg, hotdog and pancake. Inihanda ko na rin ang mga syrup sa lamesa para makapili sila. Nagtimpla ako ng gatas para kay Twyla at Trixie. Kay Aeolus naman ay kapeng barako, alam ko kasi na ayaw niya sa matatamis.