Tahimik ako habang binabantayan si Twyla at Trixie. Nasa online class kasi si Twyla tuwing saturday, ewan ko kung bakit may online siya tuwing saturday eh napasok na naman siya sa school. Baka tutor na lang 'yung sa Saturday niya. Si Trixie naman ay tahimik na pinaglalaruan ang crayola ng ate niya. Wala namang imik si Twyla, pinababayaan lang niya ang kapatid at taimtim na nakikinig sa sinasabi ng teacher niya. Tumayo muna ako at nagpunta sa kusina. I made two egg sandwiches and a juice. Nilagay ko iyon sa tray bago ako lumabas. Ang isang egg sandwich ay nilapag ko sa study table ni Twyla kung saan siya nag-aaral. "Meryenda ka muna, anak. Baka nagugutom ka na," pagtatawag ko ng pansin dito. Tumingin lang siya sa akin sandali bago sa sandwich at tsaka binalik ang tingin sa laptop niya