Kabanata 7 Paglabas ni Ellory sa kanyang apartment building para pumasok sa kanyang trabaho, sandali naman siyang napasulyap sa pintuan ng apartment ni Leo, ‘yong binatang tinarayan niya kaninang tanghali, hindi man niya gusto ang ginawa at hindi niya pinag-isipan ang mga sinabi niya, iwas man siya sa mga tao pero hindi niya gustong ga’nun ang tingin sa kanya ng iba, masama ang ugali. Masyado lang siyang stress dahil sa sunod-sunod na kakaibang nangyayare sa CAB maliban sa biglaang pagkamatay ni Mang Greg. Walang tao sa bahay ni Leo, alam ‘yon ni Ellory dahil palaging naririnig nito sa tuwing aalis sa oras ng alas siete, mas na una pa itong umaalis sa kanya. Hindi niya alam kong bakit pag-dating kay Leo eh pakiramdam niya iba siyang tao, huminga siya ng malalim at saka naghalungkat sa b