Kabanata 8 Pasado alas tres ng makauwi si Aleng Leslie sa CAB ng matapos niyang maasikaso ang tungkol sa asawang namatay at hinatid ang anak sa kanyang ina, bumalik lang siya sa CAB dahil kukunin niya ang iilang gamit na kakailanganin dahil mawawala siya ng ilang linggo dahil ibuburol ang namayapang asawa sa mismong bahay ng magulang nito. Pagod na pagod, wala pang masyadong pahinga, kain at namumulang mata dahil sa kakaiyak. Wala pa ring lead ang mga pulis sa kaso ng pagkamatay ng asawa niya, sinisisi niya ang sarili na kong hindi niya inaway ang asawa, hindi ito aalis at maglalasing, hindi ito mapapatay at maipapagtangol ang sarili sa gumawa sa asawa niya, kahit siya’y walang ideya kong sino ang pumatay sa asawa niya. Papaakyat na siya sa ikatlong palapag ng may malaglag na bola sa ha