Kabanata 9 Pakiramdam ni Ellory ng makauwi siya sa CAB ay naulit na naman ang isang pangyayare, katulad ng nangyare kay Mang Greg, brutal din ang pagkamatay ni Aleng Leslie, palibot na naman ang yellow line sa daraanan papasok sa CAB, marami na namang nagkalat na tao sa baba at mga pulis. Dahil alam ng mga ito na nakatira siya roon ay madali naman siyang nakapasok. Katulad din kahapon, isa-isa na naman silang tinanong ng pulis tungkol sa nangyare, kong na saan sila nong nangyare ‘yon at kong ano-ano pa. Katatapos lang si Ellory na tanungin ng dalawang pulis na pamilyar na sa kanya bago pa man siya makapagpahinga sa kanyang apartment unit. Gusto man magpahinga ng dalaga, hindi naman niya magawa, hindi siya dinadalaw ng antok, ilang minuto rin siyang nagtagal sa loob at kakaupo sa kanyang