Kabanata 10 Unang nakita ni Ellory ang kisame nang maidilat niya ang mga mata niya, kakaibang amoy ang yumakap sa kanyang ilong, nararamdaman din niya ang kakaibang lambot ng hinihigaan niya sa kanyang likuran, nakahiga pa rin siya nang pagmasdan niya ang paligid, hindi siya pamilyar sa lugar, agad siyang umupo, pang lalaking kulay ng silid, ‘hindi ito ang silid ko,’ sa isip-isip niya. Agad siyang umalis sa kama, paglabas niya ng silid bumungad sa kanya ang kakaibang ayos ng mga gamit, doon lang niya napagtantong nasa ibang apartment unit siya, isang binata naman ang nagsalita mula sa kusina at nakita niya ito ng lumabas, si Leo. Katulad niya ay gulat na gulat din ito sa kanya habang nakatitig sila sa isa’t isa. “Anong ginagawa ko dito?” Tanong ng dalaga. Agad naman na binitawan ni Le