Kabanata 13 Maririnig na naman ang ingay sa silid ng mag-asawang sila Molly at Warren, sila ang mag-asawang nagtayo at may-ari ng CAB. Hindi naman sila ganito dati nang hindi pa sila lumilipat sa CAB, nagiging mainit na ang ulo ni Warren, madalas niyang saktan ang asawang si Molly pati na rin ang tatlo niyang anak, isang babae at dalawang lalaki na pawang mga wala pang muwang sa mundo. Pero iba ang tindi ng galit na nararamdaman ngayon ni Warren, galit na yumayakap sa puso at buong pagkatao niya nang may malaman siyang iba tungkol sa asawa niya at sa bunso niyang anak na si Chris, nalaman niyang hindi niya ito tunay na anak at tinago lang ito ng asawa niya tungkol sa bagay na ‘yon, dahil ang tunay na ama ng tinuring niyang anak ay walang iba kong di kumpare pa niya. Pinagkakalat ni Warr