Kabanata 14 Ang lakas ng kalabog ng dibdib ni Ellory ng magising siya sa isang masamang panaginip, para sa kanyang maituturing niyang masamang panaginip na makita niya ang sariling nalulunod sa malawak na tubig, tapos makikita pa niya ang bata sa panaginip niya, katulad niya nalulunod din ito, ‘yong batang madalas magpakita sa kanya. ‘Ano bang pakay ng batang ‘yon?’ Tanong ni Ellory sa kanyang isipan habang hindi pa rin dinidilat ang mata niya. Wala siyang ideya kong bakit ito nagpaparamdam o nagpapakita sa kanya, hindi niya alam kong gumagana pa ba ng maayos ang isipan at utak niya sa mga nangyayare. Nang maidilat niya ang mga mata ay agad siyang umupo sa kamang kinahihigaan niya. Bumungad sa kanya ang pamilyar na silid niya at pati na rin ang pamilyar na mukha ng pulis. “Anong gina