Kabanata 18 Tahimik sila Ellory at Zach habang nakaupo sa labas ng morgue, simula nang dumating sila roon ay wala pa ring nagsasalita sa kanila, animoy pareho silang nagpapakiramdaman. “Sa tingin ko kasalanan kong bakit ‘to nangyare sa kanya,” mariin na wika ni Ellory sa binata kaya napasulyap ito sa kanya. Umiling-iling si Zach sabay sabi sa dalaga, “hindi muna man kasalanan ang lahat wag mong sisihin ang sarili mo ang lahat ng may gawa nito ay ang killer, wag mong isipin yan.” “Hindi ako talaga ang may kasalanan, kong hindi ka sumama sa akin di sana buhay pa siya at magkasama kayong nagbabantay sa CAB,” unti-unting humihina ang boses ng dalaga, nilalabanan niya ang pagiging emosyunal sa mga oras na ‘yon. Huminga ng malalim si Zach bago muling magsalita, “wala kang kasalanan sa totoo