Kabanata 19 Hindi pa rin makapaniwala si Zach sa mga nangyari, isa na sa naging biktima ng hindi pa nahahanap na serial killer ang kaibigan at partner niyang si Josh. Hawak-hawak niya ngayon ang resulta ng autopsy sa katawan ni Josh at mga litrato sa crime scene at mga naiwang tali sa rooftop, kong saan tinali ang kaibigan sa mismong railings. Hindi niya mahanap ang sagot tungkol sa pagpatay at kong sino nga ba ang pumapatay sa CAB, malaki ang posibilidad na nasa CAB lang ang serial killer, hindi namatay sa saksak ang kaibigan kong di sa pagkakahulog sa rooftop, hinding-hindi siya bubuhayin ng killer dahil nakatali ang mga kamay at paa nito, wala ring weapon na nakuha sa crime scene. Kahit din sa sunod-sunod na pagpatay sa na una at ang pinakabagong na biktima ay wala ring weapon, katul