Kabanata 20 Sunod-sunod na kababalaghang nangyari sa CAB pero kahit ga’nun hindi pa rin naniniwala si Leo sa mga kakaibang bagay at kababalaghan, hindi siya pumasok at hating-gabi na, gusto niyang magpahinga, dahil sa sunod-sunod na pangyayari, kahit hindi niya gustong magpaapekto, hindi siya basta-basta nakakatulog, lalo na noong nakaraang umaga na may kumatok sa kanyang pinto ngunit wala namang tao, palagi ‘yon nangyayari simula ng may mamatay. Hindi niya alam kong may nang-ttrip lang sa kanya, ‘yon ang palagi niyang iniisip at tinatatak sa utak niya. Naghahanda siya ng hapunan niya ng may kumatok na naman sa kanyang pinto katulad ng dati, napasinghap na lamang siya sa inis. “Ito na naman po tayo,” bulong niya sa kanyang sarili. Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy na lamang niya