Kabanata 21 Tahimik ang dalawang lalaki sa interrogation room, si Simon at si Det. Nathan. Parehong nagpapakiramdaman, nakamasid lang sa bawat isa na animoy ayaw magkamali sa kanilang mga kilos. Nakaposas patalikod ang mga kamay ni Simon sa upuan habang nagdurugo pa rin ang nagamot nitong sugat sa braso na gawa ni Zach. “Walang duda na ikaw ang suspek sa mga nangyayari sa loob ng CAB, sa mismong pagmamay-ari ng mga magulang mo na pinamana lamang sayo, bakit mo ba ‘to nagawa?” Dahang-dahan tanong ni Nathan sa kaharap. Nakangisi at walang halong pangamba ang mukha ni Simon saka ito sumagot, “simple lang pinamana lang rin sa amin ng ama ko ang mga pinag-gagawa niya noon.” Naningkit ang mga mata ni Nathan sa pagtataka, “anong ibig mong sabihin? Sino pa ang kasabwat mo sa krimen na nagawa m