Kabanata 22 Tulala si Ellory sa loob ng bathtub habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng tubig mula sa bunganga ng gripo, punong-puno na ang bathtub kong saan siya na roon ngunit wala siyang pake alam animoy wala siyang napapansin, nililipad kong saan ang kanyang utak. May mga mantsa ng kulay pula ang buo niyang braso at ang mga damit na siyang humahalo sa tubig, kaya ngayon nagiging pula na rin ang tubig. May mga kong anong ingay siyang naririnig, mga ingay na hindi niya maintindihan, mga bulong, mga boses, mga iyak. Naitakip niya ang mga palad niya sa magkabilang tenga, nanginginig dahil sa lamig ng tubig at dahil na rin sa tagal niyang nakababad niya roon simula ng umuwi siya sa apartment. “Tumigil na kayo!” Sa isang iglap tumigil ang lahat ng naririnig niya kahit wala naman talaga. Na