Chapter 3

1095 Words
Kabanata 3 Agad na kinausap ni Ellory ang land lady ng CAB para makausap tungkol sa kabit-bahay niyang napaka-ingay, pero hindi niya inaasahan ang sasabihin nito sa kanyang pagrereklamo. “Alam mo Ellory sinabi ko sayo na sanayin mo ang sarili mo sa mga kabit-bahay mo, irepesto mo ang ginagawa nila para walang gulo,” wika ni Mariz sa kanya. “Ano? Teka sayo na nang galing na irespeto ang kabit bahay mo, pero hindi naman nila nirerespeto kong ano nga ba ‘yong karapatan ko at ano ba ang dapat, sa ganitong lugar alam naman natin na dapat tahimik, kong maingay man hindi naman sa ga’nung oras na kailangan ko ng pahinga, ang trabaho ko sa gabi, hindi ba ninyo ‘yon naiitindihan,” paliwanag ni Ellory sa matandang nagpapanggap na bata. Ngumisi lang si Mariz sa kanya, “hindi mo alam ang patakaran sa bahay na ito Ellory, kong may reklamo ka at ayaw mo ng gulo, pwede ka nang umalis, pwede ko naman ibalik sayo ang binayad mo, hindi ko kailangan ng mga titira dito na puro reklamo, aalis ka o iintindihan muna lang ang kabit-bahay mong mas matagal na sayong nakatira dito.” Hindi alam ni Ellory kong ano ba ang dapat niyang sabihin o maramdaman sa pag-uusap nila ni Mariz. Pero minabuti na lamang niyang hindi magsalita, hindi na rin siya nagpaalam nang lumabas siya ng bahay nito. Paglabas niya ng apartment unit ni Mariz, hindi niya maiwasang manggigil, “nakakainis,” bulong niya, parang gusto niyang manakit o kaya magsisigaw sa inis niya ngayon. Natigilan siya ng makitang lumabas ng tirahan nila ang matandang babaeng nagsabi na mag-ingat siya, umupo ito sa upuang bakal nito sa tabi ng tirahan nila, kinakapa ang upuan habang paupo. Hindi nawala ang titig ni Ellory sa matanda habang papalapit siya sa puwesto nito, nang makalapit siya ng tuluyan, umupo siya sa harap nito at tinitigan ang mata nito na nakatingin sa iisang direksyon, kinaway-kaway din niya ang isa niyang kamay sa mukha ng matanda. Napasulyap naman siya sa binatang kakalabas lang din sa tirahan nito, ‘yong binatang nakausap din niya kahapon tungkol sa kalagayan ng matanda, agad siyang tumayo at nakaramdam ng hiya, pero ngumiti lang ito sa kanya. “Sorry ah, na curious lang ako kong nagsasabi ka talaga ng totoo,” nahihiya niyang wika sa binata. “Naku wala ‘yon, hindi lang naman ikaw ang ganyan sa kanya,” aniya ng binata, “ako nga pala si Peter,” pagpapakilala nito sa kanya. Tipid na ngumiti si Ellory, “Ellory na lang.” Sandaling natahimik ang dalaga bago siya muling nagsalita, “bakit ang tahimik ng mama mo?” “Ah eh ganyan talaga yan, may time na tahimik siya at minsan naman madaldal at kong ano-ano ang mga sinasabi niya, wag muna lang pansinin, pero mas madalas na tahimik talaga siya, pero bulag talaga yan,” kwento ng binata. Gusto pa sanang magtanong si Ellory pero hindi na niya ginawa dahil nahihiya siya at baka kong anong isipin ng binata kong magtatanong pa siya. “Saan ka pala galing?” Tanong ng binata sa kanya. Kiniwento naman ni Ellory kong saan siya galing at anong dahilan niya sa pagpunta kay Mariz. “Kaya baka lumipat na naman ako sa iba, ‘yong may tahimik na lugar. Hindi ko alam kong bakit sila ganyan,” hindi na naman maiwasan si Ellory na makaramdam ng inis dahil naalala na naman niya. “Wala ka na sigurong mahahanap na ibang apartment dito, ito lang ang apartment na nakatayo dito, ‘yong iba kailangan mo pang mag-jeep, kaya swerte ka sabi mo na ito na rin ang pinakamalapit na lugar sa trabaho mo,” may punto si Peter sa sinabi nito. Napakamot si Ellory sa batok niya at inayos ang salamin niyang suot, “hindi ko alam, sige Peter babalik na ako sa taas, may gagawin pa kasi ako,” pagpapaalam ni Ellory kay Peter. “Sige, kong gusto mo ng tulong na andito lang kami,” sabi ni Peter. “Salamat,” saka naglakad muli si Ellory pabalik sa taas. Iniisip niya na sana sa unang palapag na lamang siya nakatira para hindi siya nagkakaproblema sa kabit-bahay, hindi siya mag-iisip muli ng bagong titirhan at mukhang tahimik sa lugar nila Peter. Pag-akyat niya sa ikatlong palapag ingay ang kanyang unang maririnig, napapikit siya at muling dumilat. Napasulyap siya sa pintuang nagbukas at mas lalong lumakas ang ingay. “Ewan ko sayo wag mo akong pakelaman! Dahil ako nagpapakain sa inyo!” Sigaw ng lalaking kalalabas ng isang apartment unit sa katapat ng pintuan din ng silid niya. Sinamaan lang siya nito ng tingin at nilagpasan siya. Lumabas pa ang isang babaeng sobrang payat, “lumayas ka na nga dito at wag kang babalik! Hayop ka! Wala kang kwenta!” Sabay balagbag ng pintuan, hindi niya alam kong hanggang saan siya makakarinig ng ingay sa bago niyang apartment. Muling bumukas ang pintuan at lumabas doon ang pamilyar na bata sa kanya, may malungkot itong mukha at may hawak na coloring book, agad siyang lumapit sa bata dahil sa awa niya, “bata,” agad itong sumulyap sa kanya at ngumiti. “Ate na andyan ka pala,” bati nito sa kanya. Naalala niya na kaya pala nakita niyang nasa hagdan ang bata, “saan ka na pupunta?” “Maglalaro po kami ng kaibigan ko roon sa hagdan, sige po, pupunta na kami doon,” nilagpasan na siya ng bata, pero sinundan niya ito ng tingin, nagtataka siya sa sinasabi ng bata samantalang wala naman itong kasama, napailing na lamang siya at napaisip na lahat ng bata nagkakaroon ng ‘imaginary friend’ lalo na pagmag-isa ito, pumasok sa loob ng apartment unit niya. Lalapit sana siya sa bintana nang may kumatok, kaya muli niyang binuksan ang pintuan pero wala namang tao sa harap ng bahay niya, iniisip niya na baka pinag-titripan siya ng bata na kanina lang ay kausap niya. Tumingin siya muli sa loob ng may marinig siyang ingay, para bang may tumatawang bata at tumatakbo. Nagtataka siya kong bakit may ga’nung ingay, sinundan niya ang ingay, may narinig siya mula sa kusina na ga’nung ingay din, nagmadali siyang pumunta doon, pero nang makarating siya doon laking gulat niya na lahat ng kabinet at lalagyan ay nakabukas, samantalang ang alam niya sarado ang mga ‘yon, iniisip-isip niya kong binuksan ba niya ito lahat o hindi. ‘Anong nangyare?’ Tanong niya sa kanyang isipan habang sinasara ang pintuan ng mga kabinet sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD