Chapter 4

1171 Words
Kabanata 4 Pagkasara ni Ellory ng mga pintuan ng kabinet, narinig naman niya ang ingay sa labas ng tirahan niya, isang katok. Nagdadalawang isip siya kong pagbubuksan niya ito, dahil may kumatok din kanina samantalang wala namang tao, muli niyang narinig ang katok, ngayon nakakasiguro siyang may tao sa labas, agad siyang lumapit at nang mabuksan niya, hindi niya inaasahan ang makakaharap. Isang pamilyar na mukha na ayaw na niyang makita dalawang taon na ang nakakaraan, kong bakit din siya nasa malayo dahil sa mga taong ito, hindi niya maiwasang mainis at magulat sa nakaharap niya. “Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako na hanap?” Tanong niya sa lalaking bisita. May suot itong corporate attire at may dala itong dalawang plastic ng grocery. Nakangiti ito sa kanya, “hindi ka ba natutuwa sa pagdating ng Kuya mo.” Hindi niya ito pinapapasok sa bahay pero napaatras siya ng umabante ito sa kanya kaya tuluyan itong nakapasok sa loob ng bahay, hindi siya makakibo, nakita niya na nilapag ng lalaki ang plastics ng grocery at palinga-linga sa paligid, animoy sinusuri ang bago niyang tirahan saka ito muling sumulyap sa kanya. “Umalis ka na Jude hindi kita kailangan dito, paano mo na hanap ‘to?” Umiling-iling ang tinawag niyang Jude dahil sa sinabi niya, “alam muna man na ang pamilya natin ay maraming source, maraming paraan para mahanap ang nawawalang miyembro sa Sanchez.” Naalala ni Ellory kong bakit pilit siyang nagsosolo sa buhay kahit na alam niyang may pamilya pa siya at kong bakit malayo siya sa mga ito, alam din niya ang pakay ni Jude sa kanya kong bakit siya biglang dinalaw. Anak si Ellory sa labas, hindi man niya itanong sa mga unang anak ng unang asawa ng ama niya, alam niyang lahat ito’y na iinis sa kanya lalo na’t siya mismo ang nakakuha ng malaking parte sa pamana na iniwan sa lahat ng anak ng ama niyang namayapa. Isa pang kinagagalit niya sa mga unang anak ng ama niya ay pinapatay ang ama niya at ina nito, dahil wala siyang alam sa nangyayare, hindi niya nakuha ang hustisya para sa ina niya, kahit sa ina na lang, dahil anak siya sa labas wala siyang magagawa. “Hindi naman ninyo ako tinuturing na kadugo at isang Sanchez, halata naman sayo na pinipilit mo lang ang sarili mo na pumunta dito, alam kong pag-alis ko, sisiraan mo ako sa mamamatay tao mong ina dahil sa tirahan ko at sa pamumuhay ko,” wika niya. “Kadugo kita Ellory kahit na anong mangyare, see malawak ang pag-iisip mo, isang bagay na nakuha mo kay papa, gusto lang kitang tulungan kong bakit ako naparito, nagtataka---” Pinahinto ni Ellory si Jude sa sasabihin nito, “tama na! Alam ko kong bakit ka na andito, tungkol na naman ‘to sa nakuha ko kay Mr. Sanchez.” Nawala ang ngiti ni Jude dahil sa sinabi niya, “buti naman at alam mo, Ellory kailangan mo ng tulong namin para mapalagu mo ang perang binigay sayo, hindi ‘yong pinabayaan mo lang sa bangko. “Wala kayong magagawa kong anong gusto kong gawin sa buhay ko, sa pera ko at anong balak ko sa mga ‘yon, alam ko naman na pagtinulungon ninyo ako, magkakaroon ako ng utang na loob sa inyo, isa pa, baka lokohin ninyo pa ako tapos ano ang sunod ninyong gagawin, ipapapatay ninyo, hindi na ako magtataka kong ‘yon ang balak ninyo dahil ‘yon din ang ginawa ninyo sa mama ko.” “Matagal na ng nangyare ang lahat ng ‘yon hindi mo pa rin ba nakakalimutan?” “Hindi, at kahit kailan hinding-hindi ko makakalimutan kong paano ninyo ako tinaggalan ng karapatan na makasama ko ang mama ko, kasalanan ninyo kong bakit ako ganito at hinding-hindi magbabago ‘yon at mas lalong hindi magbabago kong ano ba ang tingin ko sa inyo, kaya kong ako sayo umalis ka na at tigilan na ninyo ako,” aniya ni Ellory. Tuluyang naging seryoso ang mukha ni Jude, “ayos lang kong yan ang gusto mo Ellory, pero ito lang ang tandaan mo, mag-iingat ka sa oras na maglakad ka sa kalsada papasok at pag-uwi sa bago mong tirahan,” saka ito ngumiti at tuluyang lumabas ng apartment unit niya. Naiwang nakaawang ang pintuan ng silid niya, kinabahan siya sa huling sinabi sa kanya ni Jude kaya kong sakaling mamamatay siya ng wala sa oras alam na niya kong sino ang gagawa n’un, ang unang pamilya ng ama niya. Naalala niyang isa pala siyang milyonaryang indibidual, pero na saan na ang yaman niya? Nasa bangko, simula nang makuha niya ang mana niya, hindi pa rin ito nagagalaw, natatakot siya o di kaya’y wala naman siyang paggagamitan kahit na gusto man niyang manirahan sa malaking bahay, wala na ring silbi dahil wala naman siyang makakasama, mas ayos na sa kanya ang maliit na apartment unit. Ganito naman talaga siya palagi, pakiramdam niya palagi siyang mag-isa, malayo siya sa mga tao at hindi komportable. Dahil din sa mga nangyare sa kanya noon na hindi niya pa rin nakakalimutan. Isasara na sana niya ang pintuan ng bahay niya nang may marinig siyang boses mula sa labas. “Teka lang,” sabi ng boses. Nagtaka siya at agad na binuksan ang pintuan, nakita niya ang isang binatang nagmamadali at may hawak pa itong mangko sa kanang kamay, isa sa mga kabit-bahay niya, siya ‘yong binatang nakita niyang naka-boxer short lang nong una niya itong makita. Naka-boxer shorts na naman ito pero naka-suot na ng v-neck shirt na kulay puti, basa pa ang buhok nito at naamoy pa ni Ellory ang ginamit nitong shampoo. “Anong kailangan mo?” Tanong niya sa binata habang nakahawak ang isang kamay sa likod ng pintuan. Pinakita naman ng binata ang mangko nitong dala na may takip pa sa ibabaw, “dinaluhan kita ng tinolang manok, luto ko, total bago kitang kabit-bahay sinabay na kita, ako nga pala si Leo,” sabay pa kilala nito, nilahad ng binata ang isa niyang kamay pero hindi naman inabot para makipag-kamay kaya agad na tinago ng binata ang kamay niya. “Ano naman kong si Leo ka? Hindi ko naman tinatanong at isa pa, sinabi ko bang isabay mo ako,” mataray na saad ni Ellory sa binata. Halata ang pagkagulat kay Leo, pero hindi na lamang ito umimik. “Tanggapin muna lang ‘tong dala ko,” wika ni Leo. Hindi man gusto kunin ni Ellory ang bigay nito sa kanya, wala siyang magawa kong di ang tanggapin ito, “maraming salamat, pero sa susunod sana wag ka nang mag-abala.” Saka sinara ni Ellory ang pintuan na hindi hinihintay ang sasabihin ng binata. Nang dalhin niya ang bigay ng binata sa kusina at ilapag sa lamesa, tinaggal niya ang takip sa ibabaw, agad na lumabas ang amoy ng ulam, bigla siyang nakaramdam ng pagka-miss sa kanyang ina na madalas siyang lutuan ng paborito niyang tinolang manok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD