Chapter 5

1144 Words
Kabanata 5 Pagewang-gewang si Mang Greg dahil sa pakikiinom niya sa kanyang mga barkada sa isang constructions company na malapit lang sa CAB, hindi man niya gustong uminom dahil mahina siya sa alak eh pinilit na lang dahil sa inis sa kanyang bungangirang asawa, palagi na lamang siya nitong pinagsasabihin tungkol sa lahat ng kinikilos niya ay mali sa mata ng asawa na si Leslie. Kaya madalas silang mag-away ng asawa kahit ang dahilan ay maliit na bagay, hindi sila nagkakasundo simula lang ng lumipat sila CAB, palagi na lamang mainit ang ulo ng asawa sa kanya at hindi niya maintindihan ang kinikilos nito minsan. Pagka-akyat niya sa ikatlong palapag ng CAB nang matanaw niya ang isang dalaga na nakatayo sa gitna ng pasilyo sa lalakaran niya, malabo ang paningin niya dahil sa kalansingan kaya hindi niya ga’anong maaninag ang mukha nito, may mahaba itong buhok, payat na pangangatawan, naka-paa, nakab-bistidang puti at nasa likuran ang mga kamay nito. Hindi niya ito pinansin kaya nagpatuloy siya sa paglalakad at nagbabakasaling baka tumabi ito pero nagkamali siya kaya tumigil siyang muli, “tumabi ka nga dyan iha,” giit niya sa dalagang nakaharang. Hindi man lang kumibo o nagsalita man lang ang dalaga, na iinis na rin si Mang Greg. “Pag-hindi ka umalis dyan, masasaktan ka,” pagbabanta nito na hindi naman niya gagawin. Hindi na aaninag ni Mang Greg na naglabas ng kutsilyo ang dalaga, akala niya kong ano lang ang hawak nito na pinapakita sa kanya, pero saka lang luminaw ang mga mata niya nang hiwain ng dalaga ang kanan niyang braso, agad na yumakap sa kanya ang habdi at sakit dahil sa pagkakahiwa sa kanyang braso. Napasulyap siya sa paanan niya kong saan nalaglag ang naputol na braso, muli siyang sumulyap sa dalaga, malinaw na niya itong nasisilayan at nakangisi ito sa kanya, agad na tinarak sa kanyang sikmura ang patalim nitong hawak, doon nag-umpisang manglabo ang paningin niya hanggang sa bumagsak siya sa sahig na hindi man lang nakahinga ng tulong. ~*~ Malalakas na katok ang nagpagising kay Aleng Leslie, halos gibain na ang pintuan ng bahay nila, “bwisit naman ‘oh,” bulong niya sa sarili niya, unang pumasok sa kanyang isipan na ang asawa niyang si Greg ang kumakatok sa labas, malamang naglasing na naman ito sa isip-isip niya. Pagkalabas niya ng silid ay agad siyang dumiretso sa pintuan malapit sa sala, walang ano-ano’y binuksan niya ang pintuan, wala naman siyang nakitang tao, pero na pansin niya ang nagkalat na dugo sa sahig ng pasilyo ng lingunin niya ang paanan niya ng may mapansing may kakaiba doon, laking gulat niya na isang putol na braso ito, pamilyar ang brasong ‘yon dahil may tattoo itong GEMINI katulad sa asawa niyang si Greg, muli siyang napasulyap sa mga dugong nagkalat. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya at saka lang lumabas ang sigaw sa kanyang bibig na may kasamang hagulgol. ~*~ Kakauwi pa lamang ni Ellory sa CAB ng sa di kalayuan ay tanaw niya ang dalawang kotse ng pulis, isang ambulansya at mga taong nagkalat sa baba ng gusali. Nagmadali siyang lumapit sa grupo ng mga tao, hindi siya makapasok sa mismong gusali dahil may palibot na yellow line para hindi makapasok ang mga taga-ibang lugar. ‘Teka ano bang nangyayare dito?’ Tanong niya sa kanyang isipan habang pinagmasdan ang magulong paligid. Napasulyap siya sa pintuan kong saan may nilalabas doon, pinagtutulungan ito ng dalawang taga-SOCO, isang higaan, may mga umpok doon at may takip na puting tela kaya hindi niya makita kong ano ang bagay na ‘yon o isa na bang bangkay, may mga mansta ng kulay pulang likido ang takip na tela. Ang mas pinagtaka pa ni Ellory na nakasunod ang pamilyar na mukha sa likuran ng mga nagbubuhat ng higaan, ‘yong ina ng batang madalas niyang makita, hawak-hawak naman ng inang humahagulgul ang bata, nagulat siya ng makitang namumutla ang buong balat at mukha nito. Lalo niyang kinatitigan ang bata, putlang-putla na animoy patay na, mabilis itong sumulyap sa kanya, nakaramdam siya ng takot at nang laki ang mata niya ng makita niyang pulang-pula naman ang mata nito, pero sa isang kurap ay bigla itong nagbago, animoy naging normal na bata muli at hindi naman ito nakatingin sa kanya hanggang sa makapasok sa ambulansya. Hingal na hingal siya dahil sa nangyare at kumakabog ang dibdib sa kaba, ngayon lang siya nakakita ng kakaibang bagay. Lumipas ang isang oras at malapit nang sumilip ang araw sa kalangitan nang mag-umpisang humupa ang mga tao, isa-isa na rin nagsialisan ang mga pulis kaya tinaggal na nila ang yellow line na nakaharang, doon lang nakapasok si Ellory sa CAB. Nakita niyang nasa labas si Peter at agad naman itong sumulyap sa kanya ng maramdaman ang presensya niya, antok man siya at pagod pero sa tingin niya hindi niya magagawang makatulog dahil sa nangyare. “Na andyan ka na pala,” wika ni Peter nang makalapit siya. Nagbigay naman siya ng tipid na ngiti bago nagsalita, “anong nangyare? Bakit maraming pulis?” Naging seryoso ang mukha ng binata at may halong lungkot, “si Mang Greg ‘yong asawa ni Aleng Leslie patay na, nakita ‘yong kamay niya sa labas mismo ng pintuan ng bahay nila Aleng Leslie nang may kumatok daw, saka nagtawag ng pulis, saka nahanap ‘yong mga iba’t ibang parte ng katawan ni Mang Greg na nagkalat sa hagdan at pasilyo ng CAB.” “Ano?” Hindi makapaniwala si Ellory sa nalaman niya. “Si-sino naman ang gawa nito sa kanila?” Nagkipit-balikat ang binata, “hindi ko alam, wala pang lead ‘yong mga pulis, sabi nila babalik daw sila mamayang tanghali para mag-imbestiga uli, may mga pintuan daw kasing hindi mabuksan dito, ‘yong may mga trabaho sa gabi hanggang madaling araw, baka mapasama ka sa tatanungin kong bumalik sila.” Napalunok si Ellory, mukhang hindi nga siya makakatulog nito dahil may bibisitang pulis mamayang tanghali para mag-imbestiga, nagpaalam siya sa binata na aakyat na siya, pagka-akyat niya sa ikalawang palapag na busy ang mga tao roon sa pagpupunas ng mga mansta ng dugo ni Mang Greg, nagtataka si Ellory kong sino ang gagawa ng bagay na ito at bakit naman. Natigilan lang si Ellory sa pag-iisip ng malalim nang may magsalita sa likuran niya. “Excuse me,” isang boses ng babae ang narinig niya. Hindi man niya nakita kong sino ‘yon ay agad siyang gumilid, nakita lang niya ang likod nito at ayon sa suot nito, animoy isang estudyante sa kolehiyo, baka nga estudyante ito at hindi na lamang pinansin ni Ellory nagpatuloy na lamang siya sa ikatlong palapag. Mas marami siyang dugong nagkalat sa palapag nila at wala man lang gustong maglinis sa mga kabit-bahay niya, sumalubong din sa kanya ang ingay ng mga tugtug sa kabit-bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD