Kabanata 24 Tanging si Det. Nathan at Ellory lamang ang nasa interrogation room, simula ng mahuli nila ang dalaga agad nila itong kinuhaan ng fingerprint, wala pa rin naman itong imik, tahimik na umiiyak at nakayuko. “Iha may mga ilan akong katanungan sayo, sana masagot mo ng maayos, alam mo bang ikaw ang suspek sa lahat ng nangyaring sa CAB,” wika ni Nathan. Tumingala sa kanya ang dalaga para tignan siya sa mga mata, ni hindi man lang natinag ang binatang detective, “nakasaad dito sa hawak kong papel na sa pinakauna mong biktima ang asawa ni Aleng Leslie hanggang sa ina ng binatang si Peter.” Nang laki ang mata ni Ellory sa kanyang narinig, “ano? Ayos lang ba siya?” Napangisi si Nathan sa tanong ni Ellory, “nakakatuwang marinig na mukha kang nag-aalala sa kamuntik munang patayin