WALA NA naman ang manyakis na dukha. Mabuti naman kung ganon. Solong-solo uli ni Sonja ang puwesto niya nang gabing iyon dahil ni anino ng lalaking lagi niyang kaagaw doon ay hindi niya madama. Pero…ano nga kaya ang nangyari sa isang iyon? Ilang araw na rin kasi niyang nakaka-engkuwentro roon ang lalaki. Not that she was looking for him. Mabuti nga na wala ito dahil tahimik ang pag-iisa niya sa sulok na iyon ng Cafe Bonita. Medyo nagtataka lang na bigla na lang itong hindi na sumusulpot doon. Concern lang siya ng slight. Baka kasi nadampot na ito ng mga taga-DSWD dahil napagkamalang taong grasa ba. “Sonja, nakikinig ka ba?” Nilingon niya ang kaibigang si Sindy. Katabi nito sa kinauupuan ang kasintahan nitong si Brye. Ang mga ito ang nasa puwesto ni Rodjan sa kabilang sofa. “Sorry