CHAPTER 5

2386 Words
NAG-IINIT NA naman ang ulo ni Sonja.  Pagpasok kasi niya ng Café Bonita nang gabing iyon ay agad sumalubong sa kanya ang lalaking naka-upo na naman sa paborito niyang puwesto. Although sa pagkakataong ito, gising si Rodjan at may kung anong pinagkakaabalahan sketch pad na hawak nito. He was probably drawing something. Like, his gremlin friends. “Magrarambulan na naman ba tayo sa para sa puwesto na ‘yan?” tanong niya paglapit dito.  “Wala kasi ako sa mood makipag-argumento ngayon.  Tinatamad akong magsalita.” “Well, this place is already occupied. So…” “I don’t see any names,” panggagaya niya sa madalas nitong sabihin kapag pinapaalis niya ito. Dahil hindi naman nakaharang ang katawan nito ay naupo na rin si Sonja sa katapat nitong sofa.  Inilabas niya ang kanyang steno pad kung saan niya isinusulat ang kanyang story draft para sa mga nobela niya.  Hindi niya dinala ang laptop niya dahil wala siya sa mood magbitbit ng mabigat ngayong gabi. Pero hindi pa man nakakalapat ang ballpen niya sa kanyang steno pad, distracted na siya.  Pambihira.  Kaya dinampot na lang niya ang biniling paboritong mocha frappe at nginata-ngata ang straw habang pilit na ibinabalik ang concentration sa story draft na isinusulat.   “Why do you have to bite the straw?”    Nag-angat ng tingin si Sonja at binalingan ang nagsalita. At, ewan niya, pero parang may kung anong bago sa Rodjan na ‘to ngayong gabi. Hindi lang niya ma-pinpoint kung ano.  Pero habang nakatitig siya rito ay hindi niya maiwasang pansinin ang itsura nito.  My, he was quite a looker even with those ever present early growth of facial hair.  And those wide expanse of shoulders?  Hmmm… “Why do I bite my straw?” ulit niya sa tanong nito sabay ngisi.  “Kasi it’s good good for me po.” Sa ekspresyon ngayon ni Rodjan, tila ba may kung anong napaka-importanteng bagay itong natuklasan.  “So, it was you.” “Me what?” “‘Yung mga pictures ko na nasa bulletion board sa labas noong nakaraan. Ikaw ang kumuha nun.” “Wala akong kinukuhang pictures. Ano naman ang gagawin ko sa mga iyon?” “I mean, you took a picture of me.” “Ah.” Umayos ng upo si Sonja. “’Tagal na nun, ah. Hindi ka pa rin nakaka-get over? Year 3018 na, and our president is a plant. Move on, Rodjan.” Halatang may gustong sabihin ang lalaki na hindi magugustuhan ni Sonja kahit isang letra. Pero sa huli ay nagawa pa rin nitong kontrolin ang sarili at bumuntunghininga na lang. “Alam kong nasa iyo pa ang mga pictures na iyon. Give it to me.” “Hay naku. Kahit naman nasa akin pa ang mga iyon, hindi ko iyon ibibigay sa iyo.  Unless—“  Napaurong siyang bigla nang tumayo si Rodjan at umupo sa tabi niya.  “B-bakit nandito ka?  Umalis ka nga—“ Dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib nang titigan siya nito at unti-unting ilapit ang mukha sa kanya.  Walang nagawa si Sonja kundi ang iurong na lang palayo rito ang sarili niyang mukha, na wala rin namang silbi dahil patuloy lang ito sa paglapit.  Hanggang sa halos ga-hibla na lang ang layo ng kanilang mukha sa isa’t isa.  Batid niyang dapat ay itinutulak niya itong palayo, o kaya naman ay sinisipa.  Pero hindi niya magawa.  Pakiramdam kasi niya ay tila nanghihina siya sa mga titig nito.  Parang nawalan na siya ng lakas na kahit ang magsalita ay hindi na niya makayang gawin.  Until finally, she just closed her eyes and wait for the inevitable.  And inevitable means…his kiss.   His kiss…yeah…  Lalong nagregodon ang puso niya nang maramdaman ang pagdikit ng katawan nito sa kanya.  Parang mabibingi na siya sa lakas ng t***k ng kanyang puso.  He was so close she could feel herself being drowned in his masculine scent.  Ibang-iba sa una niyang impression dito baka amoy madumi ito, his scent right now was so heavenly intoxicating. If there was even such a word. Unti-unti niyang iniumang ang kanyang nguso para sa hinihintay niyang halik. “Here it is.” Huh?  Muling nagmulat ng mga mata si Sonja nang marinig ang boses ni Rodjan.  Doon lang niya nakita na hawak na nito ang cellphone niya at may kung tinitingnan doon.  Ibinalik niya sa normal na posisyon ang nakausli niyang nguso.  Anak ng teteng!  Naiwan sa ere ang kanyang mga labi! And then she realized something.  Wala naman talagang balak ang kumag na halikan siya.  Lumapit lang ito at inakit siya upang ma-distract siya para makuha nito ang cellphone niya na kinalalagyan ng mga larawan nito.  Ewan niya kung dala lang ng pagkakabitin niya sa halik na inaasahan kaya sumobra sa metro ang level ng pagkaasar niya rito. “Alam mo bang puwede kitang kasuhan sa ginagawa mo ngayon?” aniya rito.  “Invasion of privacy na iyan, ah.” “I wouldn’t be invading your privacy kung hindi mo pinakialaman ang tahimik kong pagtulog nang araw na iyon.” “Gabi na iyon,” pagtatama ni Sonja. And now, he finally confirmed that it was really her. Parang gustong sabunutan ni Sonja ang sarili sa sobrang daldal niya minsan. “Bahala kang magsampa ng kaso,” patuloy ni Rodjan. “Kayang-kaya ko namang piyansahan ang sarili ko.  Ang tanong, ikaw kaya ay makakaya mong magpiyansa kapag ako naman ang magsampa ng kaso laban sa iyo? Mind you, five-star general ang tatay ng isa sa mga kaibigan ko.” “General iyon, hindi abogado. Kaya ano ang dapat kong ikatakot?” Kahit halos hindi pa rin bumabalik sa normal ang t***k ng kanyang puso, nakipagtagisan na siya ng salita sa lalaki.  “At anong palagay mo sa akin, poor?  Sige, magsampa ka ng kaso.  Magkita na lang tayo sa korte.  At puwede ba, bumalik ka na sa puwesto mo tutal napakialaman mo na ang cellphone ng may cellphone.  Naaalibadbaran na kasi ako sa iyo.  Panira ka talaga sa concentration ko sa pagsusulat kahit kailan.” But he stayed beside her, watching her intently.  Nag-umpisa na naman tuloy siyang mailang.  Pero sa pagkakataong ito, hindi na nagpadala si Sonja sa paraan ng mga pang-aakit nito.  Alam kasi niyang may gusto lang itong makuha sa kanya.  At hinding-hindi na siya uli magpapadala sa mga ginagawa nito. “Hindi mo ba ako narinig?  Ang sabi ko bumalik ka na sa puwesto mo.” “You know, kung hindi mo lang pinasakit ang ulo ko, maganda ka sana.” Huwag kang maniniwala riyan, Sonja!  Siguradong may gusto pa iyang makuha sa iyo.  Hindi na nga lang siya nakahirit dahil pagkatapos ng ilang segundo pang pagtitig sa kanya ay umalis na ito sa kanyang tabi at bumalik sa dati nitong puwesto sa kabilang sofa. “Takpan mo iyang tiyan mo,” anito nang damputin ang iniwang sketch pad kanina.  “Kabagan ka.” Kabagan?  Ang sarap saksakin ng ballpen sa mukha ang lalaking ito!  “Hindi maiksi ang t-shirt ko.  Style talaga iyan, ‘no?  Ganyan ang uso ngayon sa mga babae.  Pero sa tingin ko e hindi mo iyon maiintindihan kaya patatawarin kita.  With your sense of fashion, hindi na ako nagtataka na wala kang alam tungkol sa mga trends ngayon.” Halatang may isasagot pa sana si Rodjan pero nagbago lang agad ang isip nito kaya napailing na lang ito nang muling damputin ang sketch pad at itinuloy na nito ang kung anomang ginagawa roon kanina. Si Sonja  man ay nagpatuloy din.  Sa panlalait nga lang dito.   “You must be what, thirty?  Thirty five years old?  Hay naku, sa edad mong iyan, hindi ka na dapat nagsusuot ng mga ganyang damit.  Pang-kabataan lang ang mga ganyang get-up.  ‘Yung bang tipong nawawala pa sa kanilang mga sarili at hindi alam kung ano ang gustong marating sa buhay.  And you’re too old for that.”  Pinasadahan pa niya ng tingin ang kasuotan nito na gaya ng ilang beses niyang nakikitang suot nito.  Iba-iba nga lang ang design.  “Parang gusto tuloy kitang bigyan ng limos ngayon.  O kaya naman, itapon sa basurahan.” Sa wakas ay nag-angat uli ng tingin si Rodjan.  “Okay.  Subukan natin kung magagawa mo nga.” “Siyempre hindi ko gagawin iyon. Pagbantaan mo ba naman akong may kakilala kang general, eh. At tsaka, alam ko namang hindi mo ako hahayaang gawin ka na namang katatawanan.  Pero kung magiging kasing lakas mo lang ako, hindi lang basurahan ang magiging destinasyon mo.” “Let me guess. Ganyan ang rekasyon mo ngayon dahil hindi nangyari ang inaasahan mo kanina, hindi ba?” “Inaasahan?” “You were expecting me to kiss you.” Muntik na siyang masamid sa sinabi nito. “Weh?” “Bakit, mali ba?” “Oo, ‘no? At, teka nga, hindi naman iyon ang pinag-uusapan natin dito, ah.  Ang pangit mong fashion sense ang topic—“ “There’s nothing wrong with my clothes.  Now, let’s talk about that little reaction of yours about that unfulfilled kiss—“ “There’s nothing wrong with my ‘little’ reaction earlier. Duh!”  Inagaw na niya kay Rodjan ang kanyang cellphone nang mawala ang atensyon nito sa gadget.  Nabura na nga nito ang mga larawan nitong napag-trip-an ni Sonja na idikit sa bulletin board sa labas.  “At hindi mo dapat ipinagwawalang-bahala ang mga opinyon ko lalo na pagdating sa pananamit mo. And, for the record, hindi kita nilalait. Nagbibigay lang ako ng libreng fashion tips kasi kawawa ka naman. Kung hindi ka mukhang gusgusin, mukha ka namang pulubi. May girlfriend ka pa namang sikat na artista. Ano kaya ang nagustuhan sa iyo…”  Hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataong makahirit.  Walang siyang balak na maungkat ang tungkol sa nabiting halik na iyon, thank you very much.  “Anyway, dapat tularan mo ang mga Stallion boys pagdating sa pananamit, eh. You know--” “Stallion boys?” “So, aware ka rin sa kanila? Good. Sila dapat ang ginagawa mong role model pagdating sa fashion style. Mga guwapo na, ang gagaling pa magdala ng damit. Daig pa ang mga modelo. So, perfect.” Sonja couldn’t help grinning as she think of those men in equestrian club uniform. “Sila ang mga tipo ng lalaking inihaharap sa mga magulang.  Kaya nga kapag ako ang nag-asawa, gusto ko rin ng isang Stallion boy.” “Boy? Cradle snatcher ka, ganon?” Eksaherado lang na sinimangutan ni Sonja ang patawang kalbo ni Rodjan. “They were mature men, okay? Stallion boys lang ang tawag ko sa kanila dahil mga member sila ng isang exclusive riding club sa Tagaytay.” Napakunot ang noo nito.  “How did you know about that club?” “Siyempre, geninus,” buong giting niyang pagmamalaki sa sarili. May hinugot din siyang larawan sa kanyang wallet at ipinakita iyon kay Rodjan. Larawan iyon ng paborito niyang Stallion boys na ibinigay sa kanya ng kaibigang si Sindy, courtesy ng boyfriend nito, nang minsang umungot siya rito na kailangan niya ng guwapong lalaki para maging inspirasyon sa isa niyang isinusulat na nobela.     “Ito, ito ang mga taong dapat mong tularan.  Nakikita mo ba ang pagmumukha ng mga iyan?  Itsura pa lang, ulam na.”   Rodjan took the picture from her.  She snatched it back.   “Masyadong malinis,” komento ng lalaki.  “Ganyan pala ang mga tipo mo.  ‘Yung kahina-hinala ang pagkatao.” “Por que malinis sa katawan, berde na agad ang dugo? Hindi ba puwedeng…malinis lang talaga sila sa katawan?” Asar ‘tong hudyo na ‘to, ah. “Kunsabagay, ano nga naman ang alam mo sa fashion e ganyan nga ang itsura mo.” “What’s wrong with clothes?” “Not just your clothes, ‘no? Everything is wrong about you…” Well, now she was lying to herself. Hindi kasi totoo na lahat dito ay hindi maganda sa paningin niya. Afterall, tama si Sindy sa naging obserbasyon niya rito noong una. He is goodlooking. Mukhang gusgusin nga lang. Napapakunot-noo pa rin si Sonja nang pasadahan ito ng tinign. “Ano kaya ang nagustuhan sa iyo ni Alicia Manzano…?” He leaned back against his seat and resumed his sketching.  “Hindi lang fashion sense ang kakaiba sa akin.  Iba rin ako kapag sarado na ang pinto ng kuwarto.” “What?” Then she realized what he was talking about. “Talaga ba?” “Bakit, may balak kang alamin din kung totoo ang sinabi ko?” “No. I’m not interested.” Pinagbutihan ni Sonja ang magpanggap na walang pakialam sa binanggit nito dahil alam niyang nang-aasar lang din ito. “Himala. Akala ko pa naman, sa kulit mong iyan, at pagiging pakialamero, wala kang inaatrasang laban.” “Bakit, gustong maging audience ako kapag may ginagawa kayong kababalaghan ni Alicia sa likod ng ‘saradong pinto’? No, thanks. Ayokong bangungutin.” “Hindi ka babangungutin. Baka nga magkaron ka pa ng inspirasyon para sa sinusulat mo.” “Hindi children’s story ang sinusulat ko.” “Children’s story…” “Oo. Alam ko naman na pang-general patronage ang kung anomang ginagawa nyo ni Alicia sa likod ng ‘saradong pinto’.” Dinampot na uli ni Sonja ang inumin at tumayo na. Wala nang kwenta ang pinagsasasabi niya kaya lalayas na lang siya. “Maligo ka nga pag-uwi mo sa inyo.” “Araw-araw akong naliligo.” “O, magpalit ka ng damit.” “Bagong laundry ang mga damit ko.” “Mag-ahit ka. Magpagupit.” Why the heck was he looking at me like that? Lihim ba akong pinagtatawanan ng tukmol na ‘to? Anong nakatawa? “Naaalibadbaran talaga ako kapag nakikita kita. Parang gusto kitang ibabad at labhan sa washing machine.” “This is fashion, miss.” “Fashion, my foot. Mukha kang basahan sa talyer ng ninong ko. Dyan ka na nga. Panira ka sa mood ko.” Nilayasan na niya ito bago pa kung ano na naman ang maging topic ng usapan nila. Sa bahay na lang uli siya magsusulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD