CHAPTEE TWENTY-FOUR MARIZ Present IBA talaga kapag kasama mo ang mga magulang mo. Todo alaga sila at ang swerte ko talaga kasi ang mga magulang ko ay ganon. Ang swerte ko sa mga magulang ko. "Nak, kamusta naman ang unang araw ng liga?" si mama. Nasa hapag-kainan kami at kumakain. Medyo natigilan ako sa tanong ni mama. Pero agad rin naman akong sumagot. "Okay naman ma. Maayos naman po," sabi ko sakanya sabay subo ng kanin. Duh, anong okay? Halos mamatay ka na sa kabadtripan dahil kay Adrian remember? Sigaw ng isip ko na hindi ko nalang binigyang pansin. Ayoko nalang pansinin. Bakit ko papansinin? Baka madulas lang ako kay mama at masabi ko pang, "ayun ma halos makapatay na ako ng tao dahil sa inis. Ah sino? Adrian lang naman ang pangalan." Mahirap na no. Kaya shut up nalang ako.