CHAPTER Twenty Six MARIZ HANGGANG sa makabalik ng gym ay hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Adrian. Para kasing may malaki siyang pinanghuhugutan eh. Ano bang gagawin ko? Mas lalo lang akong naguluhan dahil sa mga sinabi niya. Kakausapin ko ba siya? "Ref, time-out." Nakita kong tumango lang si Adrian at nagpunta doon sa may gilid. Inilabas niya ang panyo niya. Yung panyong ginamit niya pampunas sa akin kanina. Self, akala ko ba move on na? Eh bakit nakatingin ka parin. Kabisadong kabisado pa ang galaw. Talagang matiyaga mong tinititigan! May matang lawin ka talaga. Fan ka ni kuya kim ha? Nako naman! Umiwas nalang ako ng tingin bago niya pa ako mahuli saka hindi ako tumitingin ah. Sadyang napadako lang doon ang tingin ko. Nililibot ko kaya ng tingin ang buong gym.