CHAPTER Twenty Seven MARIZ HINDI ko alam kung ano bang nakain ni Adrian at nasabi niya ang mga yon sa akin. Ni hindi ko nga alam ang magiging reaction ko. Mabuti nalang talaga at umalis siya agad. Napabuntong hininga ako. Bakit ba nangyayari sa akin to? Akala ko ba naka move on na ako? I mean, naka move on na ako diba? Naka move on nga ba talaga? "Oh anak, anong ginagawa mo jan?" napatingin ako kay mama noong magsalita siya. Oo nga, ano bang ginagawa ko sa gate? Ganoon ba ako ka-apektado sa mga sinabi ni Adrian kaya hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko? "Ah wala ma. Papasok na po sana ako pero lumabas naman po kayo eh," naglakad ako papasok at isinara ang gate ng bahay. Pumasok ako sa loob at sumunod naman si mama sa akin. Nagtataka siguro kung bakit ganito ang kinikilos ko. "Si