CHAPTER Twenty Eight ADRIAN KUNG puwede ko lang hatakin si Mariz papasok sa kwarto niya para magpalit ay kanina ko pa ginawa. Pero kasi hindi puwede, may respeto naman kasi ako sa magulang niya. Baka ma-bad shot pa tayo edi lagot. "Bakit pa kasi nauso ang dress na yan. Badtrip. Sarap ipulupot yung jacket ko sa binti niya para hindi na makita ang perfect niyang binti eh." "May sinasabi ka?" halata ang pagtataka sa boses niya. Lumingon ako sa gawi niya saglit tapos agad ko ring ibinalik ang tingin sa harap kasi kung hindi ay baka mabangga kami. Ayokong may mangyaring masama, lalo na't kasama ko siya. Masyado siyang importante sa akin kaya naman doble ingat ako sa pagmamaneho. Hindi naman kasi natin alam kung kailan ba darating ang disgrasya. "Wala," sabi ko nalang. Alangan namang sabi