CHAPTER Twenty Nine MARIZ HINDI kaagad ako nakasagot sa tanong ni Adrian. Tinignan ko lang siya. Bakas pa rin ang pag-alala sa mukha niya. Nasa may pinto siya habang ako ay nakatayo sa gilid ng mesa ko. "Ah, wala. Nag-aayos kasi ako," tinalikuran ko siya. Pinagpatuloy ko ang paglagay ng mga papel sa folder. "Mariz, ayos ka lang?" hindi ako lumingon sakanya pero tumango ako. Ayokong magsalita. Kakatapos ko lang mag break down baka maiyak na naman ako. Iyon ang ayaw kong makita niya. Ayokong makita niyang umiiyak ako. "Sure ka bang okay ka lang?" tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan noong hinawakan niya ako sa braso. Napaharap ako sakanya na sana pala ay hindi ko ginawa. Mariin ang klase ng pagtitig niya sa akin. Yung tingin na parang binabasa niya ang buong pagkatao ko sa pamama