Chapter 112 "Hi, Frea!" bati ko sa batang walang kamalay-malay sa kaguluhan naganap. Ngumiti ito sa akin. Pero nang mahagip ng mata nito si Quiran ay napabikwas ito ng bangon. Agad nagpakarga sa lalaking Akala niya'y ama niya. "Daddy Quiran, si mommy po?" inosenteng tanong nito. Nagkatinginan kaming mag-asawa. "Frea, nasa hospital si mommy." Napaka-soft ng itsura ni Quiran habang buhat at kinakausap ang bata. Makikita mo rin talagang mabuti ito lalo na sa mga bata. Parang deserve ng bigyan ng anak at gawing ama ito. Napangiti ako. "Why po? Hurt si mommy?" "Yes, baby girl." "Daddy, go tayo kay mommy. I wanna see her." Pakiusap nito. "Si Daddy Christian ang magdadala sa 'yo kay mommy. Susunod lang kami sa inyo. Okay ba iyon?" "Really? Si Daddy Christian?" mas sumaya ang expression ng