Chapter 113 Maingat kong inilapag ang bulaklak sa tapat ng puntod ng aking ina. Habang si Quiran ay naglapag din ng bulaklak sa puntod naman ng aking ama. Maayos ang mausoleum. Nandito ang lahat ng mga kamag-anak namin, puntod ng parents ko. Puntod ng Lolo at Lola ko. Pati na rin iyong sa dalawang auntie ko pa. Malinis naman at halatang alagang-alaga. Sa loob ng ilang taon ay ngayon lang ulit ako nakatapak sa lugar na ito. Si Lolo pa lang dati ang nakalibing dito. Nang umupo ako ay umatras si Quiran. Umatras ng ilang beses at binigyan ako nang pagkakataon na humarap sa puntod ng magulang ko na mag-isa. Pero hindi ito sobrang lumayo. Sunod-sunod nang pumatak ang luha ko. Hindi ko na napigilan pa. Hindi ko nagawang ipagluksa ang pagkawala nila noon dahil kailangan ko nang lumaban sa