Chapter 114 Nakulong si Fely. Sa sobrang dami ng kasalanan n'ya ay kahit isa ay hindi mo nakitang guilty siya. Parang balewala lang sa kanya iyon. Naging maayos ang mga properties and business namin sa probinsya. Nakapagpakasal kami ni Quiran sa simbahan at witness ang buong The Alpha's Town at Hombre Fuerte Homes. Nagkaroon din ako ng mga kaibigan sa katauhan ng mga pasaway na girls. Ang mga sumunod na buwan ay sobrang daming ganap sa buhay naming mag-asawa. Iyong dasal kong mag-slide muna ang mga sperm ni Quiran ay hindi dininig. 4 months na ang tiyan ko no'ng nagkalakas ako ng lakas ng loob na magpa-check up. Nagawa ko iyon dahil wala naman na akong mga kailangan isipin pa. Napapansin na rin kasi naming mag-asawa na may changes sa body ko. Pero hindi agad nakakitaan ng ibang sympt