Chapter 115 Quiran "Quiran, nasaan na ang mga gamit namin ng baby?" kalmadong tanong ng misis ko na marahang hinahaplos ang aking tiyan. "Nasa sasakyan na, misis." Isinara ko ang laptop at agad inalis ang suot na salamin. Nang mailapag iyon sa table ay tumayo na ako at lumapit dito. Hinaplos ko rin ang kanyang tiyan. "Bakit? May idadagdag ka ba?" "Wala. Magbihis ka na. Pupunta tayo ng ospital." Agad nagsalubong ang kilay ko. Halata namang kalmado ang asawa ko, pero Ako ito't nag-o-overthink na. "Bakit? May sakit ba ako?" sinalat ko ang sarili kong noo. Napabungisngis si Bituin saglit lang at napalitan ng ngiwi. Huminga ito nang malalim bago nagsalita. "Quiran, pupunta lang tayo ng ospital. Sige na, kunin mo na iyong susi." Anong gagawin namin sa ospital? Sunod kong sinalat ang noo n