Chapter Ninety-five "Ilapag mo na, Bituin." Utos ni Mommy Quinn. Nanulis ang nguso ko. Alam kong kapag nilapag ko'y talo ako. Dalawang milyon ang kabig nila kapag nakita nila ang baraha kong kasing pangit ng ugali ni Fely. Dalawang milyon. Oo, sa labis na inis ko sa asawa ko ay pumayag ako sa kalokohan nitong tatlong babaeng bigla na lang sumulpot dito na maglaro ng baraha. "B-ituin?" nang marinig ko ang tinig ng asawa ko ay naihagis ko pataas ang baraha. Saka pasimpleng hinila ang sapin ng table kaya naghalo-halo ang mga baraha nila. Tumayo rin ako at dali-daling lumapit kay Quiran. 2 million. Kiss ko na lang later si Quiran. Sinampal ko ito na ikinatigagal nito. "Misis?" ani ng lalaki na imbes pisngi ang sapuhin ay mas piniling ilapat ang palad sa kanyang dibdib. "Bakit ngayon ka