Chapter Ninety-six "Picture." Dinig kong ani ni Rosally kay Quiran. Tinitirintas ng lalaki ang buhok ng kapatid ko. Agad ngumiti si Quiran at nag-peace sign pa. Si Rosally ang may hawak ng cellphone at parehong abot tenga ang ngiti ng mga ito. "Ang ganda-ganda naman ng Rosally namin." Puri ni Quiran. "Ate pangit." May in-zoom pa ito at ipinakita iyon sa asawa ko. Umugong ang tawa ni Quiran. Photo bomber pa yata ako. Lumingon si Quiran sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin. Subukan n'yang sumang-ayon. Sa labas ko talaga siya patutulugin. "Uy, hindi ah! Ang ganda-ganda ni Ate Bituin." Napangiwing ani ni Quiran. Para itong nahahati sa dalawa. Iyong gusto niyang sang-ayunan si Rosally para i-please ito. Pero masama na ang tingin ko. Napahagikhik si Rosally. Nahuli rin kasi nito na sinasamaan